
Kahapon, Biyernes Santo, pagkatapos ng Pagtatanghal sa Krus ng Saint Joseph Parish Church ay isinagawa ang maringal na prusisyon ng paglilibing sa Panginoon. Nasaksihan dito ang mga banal na imahe ng mga santo, santa, at mahahalagang tagpo sa buhay ng Panginoon nang siya ay mamatay na binasbasan at ininsensuhan ni Rev. Fr. Ariel A. Delos Reyes.
Ang prusisyon ay dumaan sa kahabaan ng San Jose St., Tenedero St., J.M. Loyola St., Hebron St., at pabalik muli sa simbahan na itinakdang himlayan ng Panginoon. Nawa’y nagpatatag ito ng ating pananampalataya at magbigay sa atin ng panibagong pag-asa sa muling pagkabuhay ng Panginoon.
#SemanaSanta2025#HolyWeek2025#BiyernesSanto