
Bilang inyong Mayor, labis po ang aking kagalakan na masaksihan ang matagumpay na pagsasagawa ng mass baptism sa St. Martin de Porres Church! Isang napakagandang araw po ito para sa ating lungsodโ198 na bata ang nabinyagan!
Ito po ay isang proyektong malapit sa aking puso, at isang patunay ng aking pangako sa inyong espirituwal na kagalingan at sa pagpapalakas ng ating mga pamilya.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa City Civil Registry (CCR), sa pamumuno ni Ms. Ma. Theresa Cameros, at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang gawaing ito.
Lubos din po ang aking pasasalamat kina Congressman Bryan Revilla, BM Alde Pagulayan, Konsehala Karen Sarino Evaristo, Konsehal Noly Galvez, Konsehal Randy Francisco, SK President Palm Angel Buncio, at Reverend Fathers Teodoro Santiago at Percy Singco. Ang inyong suporta ay lubos kong pinahahalagahan.
Muli, isang malaking tagumpay po itoโisang patunay ng ating sama-samang pagsisikap para sa kapakanan ng ating mga kababayan.
Mabuhay po tayong lahat!
As We Strike As One โ Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!