
Magandang araw po sa inyong lahat!
Ikinagagalak ko pong makasama ngayon sina Atty. Joselito Y. Bautista at Atty. Henrick Martin Dion S. Gingoyon, ang dalawang bagong Public Attorney ng PAO Bacoor District Office. Isang karangalan po na mabigyan sila ng isang mainit na pagtanggap.
Ang kanilang pagdalaw ay isang mahalagang pagkakataon upang higit nating mapalakas ang ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng ating lokal na pamahalaan at ng PAO sa pagbibigay ng legal na tulong sa ating mga kababayang Bacooreรฑo. Lubos po ang aking suporta sa kanilang tungkulin. Naniniwala po ako na ang kanilang presensya at dedikasyon ay magiging isang malaking tulong sa ating mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan ng legal na serbisyo.