
Nakapaghatid po tayo ng pandagdag puhunan sa 39 nating sari-sari store owners sa tulong nina Senator Pia Cayetano at Senator Alan Peter Cayetano, sa pamamagitan ng ating Sustainable Livelihood Program.
Ito po ay isang hakbang upang patatagin ang kabuhayan ng ating mga maliliit na negosyante at bigyan sila ng mas matatag na kinabukasan.




