
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona ang kapakanan ng ating mga nakatatanda sa pamamagitan ng mga programa at serbisyong nagtataguyod sa kanilang mahalagang papel sa pamilya at komunidad.
Kaugnay nito, nakiisa tayo sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026, sa pangunguna ni Mayor Dahlia A. Loyola, kasama si Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Mahalagang maipadama sa ating mga lolo at lola na sila ay pinahahalagahan, iginagalang, at inaalagaan. Sila ang haligi ng maraming pamilya, gabay ng mga anak at apo, at tagapagdala ng mga aral na patuloy na nagbibigay-kahulugan sa ating mga tahanan




