
MAY bago na namang Commissioner ang Bureau of Customs (BoC) dahil naitalaga na itong si dating Customs Intelligence & Investigation Service (CIIS) Director Atty. Bienvenido “Bien” Rubio nitong nakalipas na week-end.
Si Atty. Rubio, ay naihahanay sa Insider ng BoC, dahil matagal na din itong nakatalaga sa CIIS hanggan sa ito’y maging isang Director ng naturang dibisyon diyan sa Port of Manila (PoM) at Manila International Container Port.
May ilang taon din na nasa “floating status” itong si Atty. Rubio, dahil sa normal na kalakaran sa BoC, na kapag di ka nakadikit sa isang Commissioner asahan mo na sa kangkungan ka pupulutin .
Kaya maging ako ay nagulat nang may isang unknown texter , na nagpa-abot ng impormasyon ukol sa bagong BoC Commissioner at ito’y sa katauhan nga ni Atty. Bien Rubio , kaya ang ginawa ko ay kinomfirm ko ang nasabing info, sa isang kasamahan kong batikan ding mamamahayag ng BoC.
Sa tingin ko kaya-kayang pamahalaan nitong si Newly BoC Commissioner Atty. Bien Rubio, ang BoC, dahil sa kanyang matagal nang karanasan sa byuru bilang isang Intelligence officer ng CIIS. Itong CIIS , ay isang dibisyon na may kakayahang maghuli sa mga iregularidad na transaksyon sa Bureau of Customs partikular na sa mga smuggled shipments na dumadating sa mga Ports ng bansa.
Di rin siguro maiiwasan ang mga balasahan sa byuru sa mga susunod na araw at buwan dahil nga sa bago ang pamunuan, subalit nakatitiyak tayong di naman siguro aalisin o sisibakin sa puwesto yung mga opisyal at kawani na maayos na gumagawa ng kani-kanilang trabaho dahil nga isang BoC Insider itong Commissioner Atty. Bien Rubio.
Sa ngayon nagtatanong pa rin ang mga KAPUNA natin kung bakit di daw nagtagal sa posisyon itong si dating BoC Commissioner Yogi Ruiz, na siyang pinalitan ni Atty. Bien Rubio, diyan sa Customs? Totoo kaya ang balitang si Yogi Ruiz, ay di madikit sa kasalukuyang administrasyon kung kaya hanggan sa BoC-OIC lamang ito? di kagaya ni Atty. Bien Rubio, na appointed o hinirang sa posisyon na Commissioner ng Bureau of Customs. kaya asahan natin na magtatagal na sa kanyang posisyon itong si Atty. Bien Rubio, unless otherwise na may gawin itong mga kabulastugan sa serbisyo. di po ba mga boss tsip?
xxx
Mukhang lumilinaw na ang nangyaring nakawan sa aming bahay nito lamang Enero , 23, 2023, matapos na mareview ang footage ng CCTV na malapit lamang sa aming lugar diyan sa Melody Heights, Brgy. Muzon, City of San Jose Del Monte (CSJDM) Bulacan .
Kaya oras na mapagtugma-tugma ang pangyayari tiniyak sa atin ng pulisya na puwedeng sampahan ng kaso ang salarin sa piskalya hanggan sa ma-warrant ito. Iyan po ang paniniyak ng mga Pulis ng Compact no. 3 ng CSJDM , na siyang nagsadya sa lugar namin matapos na humingi ako ng assistance sa kasong ito.