
KINUMPIRMA po ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)⁰ na inaayos na ng ahensya ang insurance benefits na P800,000 para sa OFW na pinatay na si Jullebee Ranara.
Ayon Kay OWWA administrator Arnel Ignacio natanggap na rin ng pamilya ni Jullebee ang nasa mahigit 200,000 piso na death and benefits mula sa OWWA.
Sasagutin na rin ng OWWA ang lahat ng gastusin sa burol ng namayapang domestic helper na si Ranara na natagpuang patay sa Kuwait kamakailan.
Ito ay para maibsan kahit papaano ang bigat na dinadala ng pamilya kabilang na ang asawa at naulilang apat na anak nito. Thanks
Samantala, wala pang petsa sa libing pero inaayos na ng mga kamag-anak ang paglalagakan ng mga labi ni Jullebee sa isang pribadong sementeryo sa Las Piñas.
Sàmantala , may panibagong batch ng mga distressed overseas Filipino worker (OFW) mula Kuwait dumating kamakalawa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .
l
Karagdagang 34 na distressed OFWs mula Kuwait ang dumating kàmakalawà hbago magtanghali.
Ang nasabing bilang ay Kasama sa mga distressed OFWs na nanatili sa shelter sa Philippine Embassy sa Kuwait.
Sakay ng Gulf air flight GF154
mula Kuwait na lumapag sa NAIA Terminal 1.
Sila ay sinalubong nina Atty. Honey Quiño – Deputy Administrator ng OWWA, at Director Regina Angela Galias at ng Repatriation Team.
Bahagi pa rin ito ng repatriation program ng pamahalaan kung saan binigyan sila ng tulong financial ng OWWA ang mga bagong dating na OFWs.