
ISUSULONG ang total deployment ban ng overseas Folipino workers (OFWs ) sa bansang Kuwait.
Nais iipatupad ni Senator Raffy Tulfo ang total deployment ban para sa lahat ng OFWs sa Kuwait kasunod nang nangyaring pagpatay sa OFW na si Jullebee Ranara ng 17-anyos na anak ng kanyang amo.
Sinabi ni Tulfo na dapat munang ipatupad ang total deployment ban bago makipag-usap ang Pilipinas sa Kuwaiti government.
Binigyang diin ng Senador na ang mga OFW ay dumadaan sa butas ng karayom bago makapag trabaho sa Kuwait kaya ganun din ang dapat aniyang ipatupad ng Pilipilipas sa mga employer na nais kumuha ng Pilipinong manggagawa.
Aniya, dapat din na magpakita na clear sa police record at pumasa sa neuro psychiatric examination ang magiging employer kasama ang lahat ng miyembro ng pamilya.
Siniguro pa ni Tulfo na uupuan niya ang bagay na ito para sa bilateral talk upang matiyak na walang tama sa utak ang magiging amo ng ating mga kababayan at hindi na maulit ang nangyari kay Ranara.
Pag aaralan din ng mabuti ng senador ang maaaring idagdag sa gagawing bilateral agreement sa pagitan ng Kuwaiti Government at ng pamahalaan ng Pilipinas para sa kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs.
Unang nakipag-usap si Tulfo sa Department of Forein Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang stakeholders na layung isulong ang total deployment ban sa Kuwait.
SAMANTALA siniguro po naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na sasagutin nito ang educational support sa anak na naiwan ni Jullebee Ranara hanggang sila ay papasok sa college.
Ayon Kay OWWA administrator Arnel Ignacio isa-submit niya sa board of trustees para pati tatlong kapatid ng kanilang panganay ay mabigyan din ng scholarship.
Sinabi pa ni Ignacio hawak niya na ang cheke na 220k para sa pamilya ni Ranara at tiniyak nito na sasagutin lahat ng OWWA ang gastusin sa burol at libing ng biktima.
Nagpasalamat rin ito kay Senator Raffy Tulfo na nagbigay din ng financial support sa pamilya ni Jullebee ang OFW na pinaslang at sinunog ng 17 anyos na anak ng kanyang amo.
Sa ngayon ay hinihintay pa rin ng OWWA ang magiging development sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Kuwait para makamit ni Ranara ang hustisya.