
Maraming salamat at mabuhay po kayo – Sa pagtatapos ng Operation Hope: Free Surgery para sa mga may pagkabingot, pagkangongo at facial deformities, nasa 89 na buhay po ang nabago… 89 na bata ang maaari nang mangarap muli. Marami pong salamat sa naging katuwang natin sa proyektong ito, ang Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES). Sa pagtutulungan naman po ng Caviteños UK Association at ng ating City Health Office, nakapaghatid ng libreng mga serbisyong medikal (check-up, gamot, ECG, xray, bunot ng ngipin, salamin sa mata) sa may 2,983 Bacooreño sa pamamagitan ng Misyon Medikal 2023. Ang ating taos pusong pasasalamat din po. We will continue to #StrikeAsOne para sa kalusugan… dahil #SaBacoorAtHomeKaDito #StrikeSaSerbisyo





