
Ininspeksyon po natin ang itinatayong Super Health Center sa Legian II-C, Barangay Carsadang Bago I kasama ang Committee Chairman ng Health sa Senado, Senator Bong Go, Cong. AJ Advincula, at Vice Mayor Homer Saquilayan. Ito po ang bunga kapag iisa ang layunin ng inyong mga pinuno. Hindi na po mahihirapan at lalayo ang ating mga kababayan dahil mas malapit na sa kanila ang ospital na sasagot sa kanilang pangangailangang pangkalusugan. Asahan po ninyong madadagdagan pa ang mga ganitong klaseng programa para matutukan natin ang kalusugan ng bawat isang Imuseño! #AAngatAngImus #AlagangAdvincula