
Mga katoto, bago ang lahat, nais ko munang batiin at papurihan ang ating magiting na Director Auxiliary Squadron (DAS) ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) CGANCR-CL CGA CAPT ALEX CABRERA na tumanggap ng parangal bilang pagkilala sa kanyang ipinamalas na katapatan at dedikasyon sa tungkulin na ipinagkaloob ni Aux Commodore Joy C Puno DAD CGANCR-CL nitong Feb. 19 2023 at the Aristocrat Restaurant, Roxas Blvd., Malate Manila.
Sa totoo lang mga katoto sadyang karapatdapat bigyan ng parangal itong si CGA Capt Cabrera bukod sa ipinamalas nitong dedikasyon bilang DAS ng PCGA 104TH Squadron, walang pinalampas itong programa ng PCGA na pinaliban, katulad ng dalawang magkasunod na mangrove planting activity sa Mangrove Conservation Site sa Brgay San Rafel IV Noveleta Cavite na ginanap nitong Pebrero 25, 2023 at Coastal Clean up nitong Marso 02, 2023 sa Dolomite Beach sa Manila Bay Walk, Malate Manila, kabilang na sa ginanap na Coastal Clean up Operation at Feeding Program nitong nakalipas na pebrero 18, 2023 sa Carzo Complex Brgay Alabang, Muntinlupa City.
Gawa ng patuloy na pagtutulungan ng Philippine Coast Guard(PCG) Station Laguna na pinamumunuan ni CG LTJG MARK ANTHONY A CUEVILLAS at ng PCGA 104TH Squadron na pinamumunuan ni DAS CAPT ALEX CABRERA para sa kalinisan ng baybaying dagat Laguna at kailangan ang floating asset ay nag-donate ng isang RESCUE BOAT ang butihing Governor Ramil Hernandez at Provincial Capitol ng Laguna,Cultural of Laguna, Sta Cruz Laguna nitong Pebrero 06, 2023, kung saan gamit ito sa maritime security, maritime safety, maritime law enforcement, maritime search and rescue, ar maritime environmental protection sa naturang lalawigan, ganyan kasipag ang dalawang namumunong PCG at PCGA sa area of responsibilities ng Laguana. Ohh ano pa say niyo!!! Dapat pa bang imemorays iyan! Hehehe!!! Matatandaan mga katoto itong si katotong DAS Capt Cabrera ay dating halal na Brgay Kagawad simula taong 2008-2012 sa Brgay Alabang, Muntinglupa City, kung saan ang lawak ng kaalaman nito sa pakikipag-kapwa tao ay ganun nalang, na alalaumbagay may dakilang layunin maiangat ang kanyang pinamumunuang PCGA 104TH Squadron kung kayat labis itong minahal ng aming mga katoto at binigyan pa ng isang taon mamuno, kaya sa kasaysayan ng aming squadron ngayon lang nganap ito na ma-extend ng dalawang taon ang isang DAS na dapat kada taon nagkakarun ng halalan. Ibang klase ka talaga katotong kuya DAS. Saludo kami sa iyo!!!
Paanyaya sa lahat ng mga kasapi ng PCGA 104TH SQUADRON na nais nadumalo sa nalalapit na 38TH PCGA NATIONAL CONVENTION sa June 16-17 2023 sa Hilcrest Forest Resort and Hotel Nasugbu Batangas City, mangyari lang na magpareserba na ang lahat dahil sa 1,500 lang ang kapasidad ng naturang hotel.
Paalala sa 3rd monthly formal meeting ng PCGA 104TH SQUADRON sa 11 march 2023 0700h CGSSMUNTINLUPA Feeding Program, 0900h 3rd Mothly Formal Meeting!!! Carzo Compound Brgay Alabang Muntinlupa City. Election ng bagong Director Auxiliary Service!!!!

Nagsagawa ng Coastal Clean up Operation ang PCGA Squadron 104th sa pamumuno ni Director Auxiliary Squadron (DAS) Capt Alex Cabrera sa baybaying dagat ng Carzo Compound, Barangay Alabang, Muntilupa City. Pasky Natividad
GREETING:
The Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista graced the donning and oath-taking ceremony of newly promoted Philippine Coast Guard (PCG) officers in Pasay City yesterday, 01 March 2023:
CONGRATULATIONS MGA KATOTO: GOD BLESS YOU MORE!!!! Vice Admiral Ronnie Gil Latorilla Gavan – Deputy Commandant for Administration, PCG, Vice Admiral Robert Noble Patrimonio – Commander, Marine Environmental Protection Command, Vice Admiral Joseph Macellones Coyme – Commander, Maritime Safety Services Command, Rear Admiral Eustacio Nimrod Palomero Enriquez Jr – Commander, Coast Guard Education Training and Doctrine Command, Rear Admiral Rudyard Madueño Somera – Director, Coast Guard Strategic Studies and International Affairs Center, Rear Admiral Gregorio Ilagan Adel Jr – Commander, Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service, Rear Admiral Edgardo Taganas Hernando- Commander, Coast Guard Special Operations Force, Rear Admiral Hostillo Arturo Egay Cornelio – Commander, Coast District National Capital Region-Central Luzon, Rear Admiral Armando Aurelio Balilo – Commander, Coast Guard Internal
Audit & PCG Spokesperson, Rear Admiral Nelson Barcebal Torre – Deputy Commander, Maritime Security Law Enforcement Command
“Promotion carries more responsibilities. Di kayo na-promote para sa mataas na posisyon at dagdag na sahod. Na-promote kayo dahil binigyan kayo ng mas malaking responsibilidad,” DOTr Secretary Bautista expressed. President Ferdinand Marcos Jr approved the promotion of three Vice Admirals and seven Rear Admirals of the PCG on 09 December 2022.