
Layunin po nitong tulungan ang mga nagtitindang makasunod sa Ordinansa Bilang 2012-134 o pagbabawal sa paggamit ng mga sando bags o anumang plastic sa dry goods na kanilang mga ipinagbibili.
Isa lamang po ito sa mga paraan upang mahikayat natin ang ating mga kababayan na magdala ng sarili nilang mga bayong sa pamimili at maiwasan ang paggamit ng plastic na nakasisira sa ating kalikasan.