
Isa pong karangalan ang tinanggap ng inyong lingkod at ni Vice-Mayor Jonas Labuguen sa isinagawang 49th Philippine Business Conference & Expo kahapon, kung saan ang Lungsod ng General Trias ay ginawaran ng SPECIAL CITATION – 2023 Most Business-Friendly LGU Award (City Level 2) ng Philippine Chamber of Commerce & Industry.
Ang karangalan pong ito ay magsisilbing inspirasyon sa aming lahat upang lalong pagibayuhin ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa ating mamamayan at isulong ang patuloy na pag-unlad ng minamahal nating General Trias.
Let’s Join Forces for a More Progressive City of General Trias!
Photos by Dennis Abrina (Official Page of Mayor Jon-jon Ferrer)