
Mapalad po tayong makasama si Senator Francis Tolentino upang maghatid ng tulong trabaho sa ating Distrito. Isanlibong benepisyaryo po ang ating natulungan sa pamamagitan ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers.
Nagpapasalamat din po ako sa Department of Labor and Employment – DOLE, sa Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Mayor Alex Advincula at kay Vice Governor Athena Tolentino na ating nakasama sa nasabing programa.
Ang TUPAD po ay isang assistance program na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ating mga disadvantaged o displaced workers. Ang mga benepisyaryo po ay nagsasagawa ng mga community work kagaya ng pagwawalis ng mga kalsada, pagtatanim ng mga puno, at paglilinis ng mga drainage system.
Makakaasa po kayo na tuloy-tuloy ang pag TUPAD natin sa pangakong tulong sa bawat isang Imuseño.