
Pinangunahan po ng inyong lingkod at ni Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director Engr. Ariel Iglesia ang pagbubukas ng 48 units ng LED streetlights kung saan ito ay mula sa 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG) Incentive Fund na natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus mula sa DILG.
Nakasama rin po natin sa programang ito sina Provincial Director of DILG Cavite Engr. Danilo Nobleza, DILG Cluster Head A Ms. Nencita Costelo, City Local Government Operations Officer (CLGOO) Mr. Ryan Geronimo, Brgy. Malagasang 1G Captain Mark Oliver Valerio, at Department Heads sa iba’t ibang opisina ng ating Pamahalaang Lungsod.
Makakaasa po kayo na patuloy ang aming pagpapaliwanag sa buong lungsod para sa kaligtasan ng bawat Imuseño.