
June 15, 2024 Atin pong dinaluhan ngayong hapon ang graduation ceremony ng
mga mag-aaral ng senior high school ng K.C.M. Academy na idinaos sa Paraรฑaque
City Sports Complex. Tayo po ay lubos na nagagalak na masaksihan ang
pagsasarado ng yugto ng buhay ng ating high school students. Hangad ko po na
magsilbing inspirasyon ang mahalagang seremonyang ito para mas pagsikapan ang
inyong pag-aaral. Sa ngalan po ng Lungsod, asahan po ninyo ang patuloy na
suporta namin para itaas ang kalidad ng edukasyon. #YoursInPublicsERvICe