
Atin pong sinaksihan ngayong Biyernes ang 94th Commencement Exercises ng ating Parañaque Livelihood Skills Training Center ng Parañaque Livelihood Resource Management Office na isinagawa sa Parañaque City Sports Complex.
Tayo po ay nagagalak na maimbitihan bilang panauhing pandangal kung saan tayo ay nagbahagi ng makabuluhang mensahe sa 2,838 graduates na nakapagtapos ng kanilang mga kurso.
Congratulations po sa lahat ng mga nagsipagtapos! Hangad ko po ang inyong tagumpay sa inyong tatahakin.
Muli, isang mainit na pagbati po sa lahat!