
Wala ng magiging pangamba at makakatulog na ng mahimbing dahil isinagawa na ngayong umaga ang awarding ng payment of cheque kay Mr. Steven Hontiveros, may-ari ng lupa para sa pagbayad sa lupa ng Purok 1 hanggang Purok 6. Ito ay ginanap sa Golezeum 6 sa Purok 4, Sampaloc Site 2 sa Barangay BF Homes kung saan sinaksihan ng mga kasapi Sampaloc Neighborhood Associations Inc.
Matatandaan na ang naturang proyekto sa intensyon sa pagbili sa nasabing lupa ay inumpisahan sa panahon ni Mayor Kap. Pablo Olivarez at pinagpatuloy at tinutukan ni Cong. “Kuya” Edwin L.Olivarez noong sya pa ang alkalde at ngayon sa termino ni Mayor Eric L.Olivarez katuwang ang Sangguniang Panglungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Joan Villafuerte ay binigyan din ng prayoridad at ngayon nga ay naisakatuparan na.