
Tayo po ay dumalo ngayong Sabado sa idinaos na payout para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na ginanap sa Barangay Sto. Niño.
Ito po ay proyekto ng ating tanggapan katuwang ang Department of Social Welfare and Development kung saan 1666 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong.
Muli po tayong nagpapasalamat sa DSWD-NCR para sa patuloy na pagtulong sa mga residente ng ating Lungsod. ![]()
![]()







