
SINIMULAN na po na magkakasa ang dry run ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpapatupad ng mga eksklusibong motorcycle lane sa Commonwealth Avenue ang pinakamalaking kalsada sa bansa.
Matatagpuan ang eksklusibong motorcycle lane sa ikatlong lane mula sa bangketa ng Commonwealth Avenue, mula Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa.
“The dry run is meant to familiarize motorcycle riders traversing Commonwealth Avenue on the said policy. We will have a full deployment of MMDA traffic enforcers and we will be assisted by the local government of Quezon City,” ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes sa formal launching kahapon sa UP-Ayala Technohub footbridge sa Quezon City.
Sinabi ni MMDA Chairman, na simula Marso 9 hanggang sa Marso 19, ay hindi muna manghuhuli ng motorista habang ipinatutupad pa ang dry run.
Ang paglalagay ng motorcycle lane para maibsan ang mga bilang ng aksidente at namamatay na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Ayon sa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS) ng MMDA, may kabuuang 1,686 o 5 kaso kada araw ng mga insidente ng aksidente sa kalsada na may kaugnayan sa motorsiklo sa Commonwealth Avenue ang naitala para sa taong 2022.
Sa nasabing bilang, 13 kaso ang nagresulta sa fatal injuries. , 930 sa hindi nakamamatay na pinsala, at 743 sa pinsala sa ari-arian.
Sa annual average daily traffic count na isinagawa ng MMDA Traffic Engineering Center, may kabuuang 154,639 na motorsiklo at 10,134 na pampublikong sasakyan ang dumadaan sa Commonwealth Avenue.
Sa darating na Marso 20 ang mas mahigpit na pagpapatupad ng exclusive motorcycle lanes sa Commonwealth Avenue.
“We will fully enforce the exclusive motorcycle lanes on Commonwealth Avenue after the dry run. Violators will then be fined P500,”pahayag ni Artes