
Isang Banal na Misa ang ating dinaluhan ngayong Linggo at ito naman ay ginanap sa San Nicolas Chapel sa Barangay La Huerta.
Isang karangalan po na tayo ay maimbitahan at maging parte sa seremonya na ito na siyang bahagi para sa paggunita ng kapistahan ni San Nicolas de Tolentino ngayong araw.
Kasama sa nasabing misa sina Vice Mayor Joan Villafuerte at 1st District Congressman Edwin Olivarez.
Muli, maligayang kapistahan sa Tata Kulas at sa Barangay La Huerta.