
Pinangunahan ni Mayor Eric L. Olivarez ngayong Sabado ang pamamahagi ng construction materials para sa mga lot owners na napinsala ng sunog sa Area 2 B, Sta. Maria sa Barangay Sto. Niño noong Mayo 31, 2023.
Ayon sa punong lungsod, 5 lot owners ang makakatanggap ng mga materyales tulad ng yero, plywood, at kahoy.
Naibaba ang mga nasabing tulong sa pamamagitan ng General Services Office sa ilalim ni Ms. Josephine Mary Centena, City Social Welfare Development Department sa ilalim ni Ms. Vivian Gabriel, at Urban Mission Areas Development Office sa ilalim ni Ms. Shella Bernal.