
Muling ibinaba sa lungsod ng Parañaque ang pinansyal na tulong sa ating mga kababayang Parañaqueño na idinaos ngayong umaga ng Sabado sa Old Barangay San Dionisio Gym.
Ito ay isang programang handog ng tanggapan ni District 1 Congressman Eric L. Olivarez katuwang ang tanggapan ng DSWD.
Ang abang lingkod ay nagbigay suporta at mensahe sa 964 na benepisyaryo mula sa Distrito Uno ng nasabing programa.
Nakiisa rin sa programang ito sina Mayor Edwin L. Olivarez at Barangay San Dionisio Kapitana Eva Olivarez.







