
Dumalo at nakisaya si Mayor Eric L. Olivarez sa isinagawang Kapihan sa Tahanan ngayong umaga sa Tahanan Community Center sa Barangay BF Homes. Ang naturang programa ay pinangasiwaan ng Senior Citizens Association of Tahanan Village sa pamumuno ni Mam Florencia Umali kasama at OSCA OIC Linda Alcantara.