
Ang inyo pong lingkod, Paraรฑaque City Mayor Eric L. Olivarez ay malugod na binabati ang pamunuan ng Duty Free, ng isang Maligayang ika-37 Anibersaryo!
Ngayong araw ng sabado, ika-18 ng Mayo, 2024 ay personal po nating tinunghayan ang patimpalak na “Zumba Saya” sa Duty Free, dito po sa ating Lungsod ng Paraรฑaque kung saan masiglang nakilahok ang 16 na barangay na nagpakita ng masigla at magaling na pagganap ng kani-kanilang piyesa ng Zumba.
Ang inyo pong lingkod ay malugod na nagpapasalamat at bumabati sa lahat ng ating barangay na nakiisa sa proyektong ito na pinangunahan ng pamunuan ng Duty Free kaisa ang City Tourism at Public Information Office sa pamumuno ni Mr. Melquiades I. Alipo-on.
Isang mainit at masayang pagbating muli ng isang maligayang ika-37 anibersaryo, Duty Free!