
Mga katoto sadyang nakapagtataka ang talamak na isyu hinggil sa paglobo ng prudoktong pang agrikultura, na alalaumbagay di mahapayang gating na maging ang Bureau of Customs (BOC) ay nahirapang sumugpo sa pagpapatigil nito na kung saan kahit na sang damukal na paputok sa media, sa kabila ng maraming mga nahuhuli ay walang puknat pa rin ang padaloy na nakalulusot pa rin sa ibat-ibang pantalan ng Distrito sa Aduana sa bansa.
Bakit kaya hindi masugpo ang smuggling di lang sa agri-products bukod pa sa ibang mga kalakal? Batid niyo ba mga katoto ang matagal ng usap-usapan sa bakuran ng Aduana, hanggat may katagang CASH sunduan sa panig ng ilang kawani ng Aduana at broker/consignee mananatili pa rin ang sabwatang ito, kaya mananatili ang bulok na sistemang ito, sabi nga ng ating mga katoto kahit sinong ipuwestong customs commissioner ang ilagay sa BOC, wika nga lumang tugtugin na yan!!! Hehehe! Dapat pa bang imemorays yan mga katoto!!!
Sa kasalukuyan mga katoto naitinatag ang naturang Task Force noong Nobyembre 2022 ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Bantay ng Bumabangon na Magsasaka (PCG TF-BBM), kung saan ang tanging layunin ay suportahan ang Department of Agriculture (DA) sa kampanya laban sa pagpasok sa bansa ng kontrabandong produktong pang angrikultura, kung saan ang CG K9 Force na pinamumunuan ni CG COMMODORE ALLEN DALAGIN ang panguhing Unit ng PCG kung saan eksperto ang mga sniffing dog na ito sa pag amoy ng sibuyas, bawang, asukal at karne.
Samantalang ang Department of Agriculture naman ay pinamumunuan naman ni Asst. Secretary JAMES LAYUG kung saan simula noong Nobyembre 2022 hanggan Pebrero 2023 isiniwalat ng PCG TF BBM ang kanilang mga natimbog na smuggled agri-product tulad ng sibuyas na natimbog sa BOC MICP at Subic-668.9 milyon, asukal na natimbog sa Batangas-440 milyon, at produktong karne 400 milyon sa MICP. Sumatotal ang kabuuang nakumpiska ng agri-product na natibomg ng PCG TF-PBBM ay nasa Php 1,500,480,590.00 na smuggled aricultural Product sa ipinamalas na serye ng opersyon. Nagpapasalamat si Assec Layug sa mga ahensya ng ating pamahalaan sa kanilang patuloy na pagpapatupad sa order upang tuluyan ng mawala ang pagpasok ng mga kontrabandong produkto sa bansa!!! Mabuhay ang D.A. at PCG TF-BBM!!! Mabuhay tayong lahat mga katoto!!!