
NAKAKA-WOW talaga! Muling napatunayan ang kakaibang talino’t galing ni Bureau of Customs-Port of Subic (BOC-POS) District Collector Marites “Meeks” Martin sa paglikom ng malaking halagang buwis makaraang paulit-ulit na masungkit ang monthly over-target tax collection noong nakaraang February, 2023. Sa datos, naitala ng team POS na pinamumunuan ni Coll. Martin ang aabot sa P4,029,164,175.53 lagpas sa target na buwis para sa tinutukoy nating buwan. Ito ay higit na mataas sa target na P3,910,520,000.00. Suma-total, nakapagtala pa ng P118,644,175.53 tax collection surplus ang team POS. Congratulations and more power, mga Bossing! Matatandaang, unang sigwada palang ng taong 2023, nasungkit agad ng kampo ni Coll. Martin ang monthly over-target tax collection para sa JANUARY. Kung hindi ako nagkakamali, 5 years (2019, 2020, 2021, 2022, 2023) nang ganito ang resulta ng koleksyong buwis sa “buena manong” buwan kada taon ng POS. Mahirap lagpasan ang matinding determinasyon, kaalaman at katapatan sa paglilingkod ng Team POS! Walang dudang prayoridad sa kanilang serbisyo ang pagbibigay ng proteksyon sa interes ng ating gobyerno. Panalo ang Customs sa tropa nina Coll. Martin. Markado sa kasaysayan ang kanilang ipinapakitang gilas sa paglilingkod! Sa datos, nakapagtala ng P3,983,896,586.27 actual tax collection para sa nakaraang January, 2023 ang team POS. Mas mataas sa target na P3,813,620,000.00. Suma-total, nagkaroon ng P170,276,586.27 or 4.46% tax collection surplus o positive. Kung matatandaan pa ninyo, nakalikom rin ang Team POS ng annual over-target na P48,733,322,614, mataas sa target na P41,579,080,000, at may surplus na P7,154,242,614 or 17.21% positive para sa nakaraang 2022. Samantalang sa katatapos lang na December 2022, gaya noong magkakasunod na taon 2021, 2020 at 2019, nakalikom ng over-target tax na P4,381,676,829. Mataas kumpara sa target na P2,500,000,000 at naitala rin ang collection surplus na P1,881,676,829 or 75.27% positive. Katulad rin noong nakaraang November 2022, nasungkit ng Team POS ang over-target na P3,405,254,647.82 na mas malaking halaga kesa target na P2,600,000,000,00 at may surplus na P805,254,647.82 or 30% positive. Ang nakakabilib, ito ay nangyari o nagawa ng Team POS sa gitna ng matumal na import at export business bunga ng patuloy na pagtaas ng inflation, serye ng mataas na presyo ng petroleum products, bagsak na halaga ng piso kontra dolyar at wala pa rin lubay na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine. Kung maaalala pa ninyo, sa datos, P3,757,941,789.25 ang naitalang actual collection mula August 1 hanggang 23. Mataas kumpara sa target na P3,572,990,000.00 at may surplus na P184,951,789.25 or 5.18% positive. Habang nu’ng July, 2022, nadale ng tropa ang P5,425,091,726.82 actual tax collection. Higit mataas sa target na P3,781,740,000.00. Suma-total, nagkaroon ng P1,643,351,726.82 or 43.45% collection surplus. Samantalang nu’ng June, nakalikom ng lagpas sa target na buwis na aabot sa P5,154,651,133.15 na mas mataas sa target na P3,380,949,000.00 at may surplus na P1,773,702,133.15 or 52.46% positive. Nu’ng May, naitala ng Team POS ang actual collection na P3,843,653,098.36, higit mataas sa P3,410,903,000.00 target na buwis. Nagkaroon ng P432,750,098,36.00 surplus or 12.69% positive. Katulad rin nu’ng April na P3,524,919,216.53 ang nalikom na buwis. Mataas sa target na P3,358,262,000.00, at may sobrang P166,657,216.53 or 4.96% positive. At maging noong March, February at January, 2022, may ulat na lagpas sa target ang koleksyong buwis ng kampo nina Coll. Martin! Sa totoo lang, EXCELLENT ang collection performance ng Team POS. Congratulations and keep up the good work, Team POS! Salute!