

MARAMING NAMANGHA at labis na ikinatuwa ng mga kawani sa Bureau of Customs [BoC] ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay BoC Director III Bienvenido Y. Rubio bilang bagong Customs Commissioner.
Sabi nga nila ana kanilang inaasahan ang maraming makabuluhang pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni Comm. Bien Rubio na alam nilang nakakaintindi ng kanilang kalagayan dahil sa ito ay nanggaling mismo sa ibaba na umangat bunga ng matagumpay nitong mga operasyon laban sa ismagling at katiwalian.
Mariin sinabi ni Com. Rubio “I believe in promoting good governance by strengthening the Bureau of Customs first, through active collaboration with its partner-agencies and stakeholders. Essentially, stakeholders will always be considered and included in the process of improving customs services and procedures.”
Si Commissioner Bien Rubio ay tubong Batac, Ilocos Norte, na kong saan ay pinalitan nya ang Cebuanong si Yogi Filemon Ruiz na itinalaga ni PBBM na Acting Commissioner lamang noong Hulyo ng nakaraang taon.
Inanunsyo ng Malacañang ang pagkakahirang ni Com. Bien Rubio noong Peb. 10 bagamat napirmahan ng Pangulong Marcos ang kanyang appointment paper noong Peb. 8.
Naunang na-assign si Bien Rubio bilang Special Agent 1 noong 2001.
Hindi nagtagal ay na-promote siya na Special Investigator, pagkatapos bilang Intelligence Officer I, at naitalaga rin na officer-in-charge (OIC) ng Intelligence Division ng Manila International Container Port (MICP) at ng Port of Manila (POM) hanggang 2013.
At noon Enero 2021, inappoint ni President Rodrigo Roa Duterte si Bien Rubio bilang Director III matapos hawakan ang mga posisyon na Intelligence Officer III at IV mula 2013 hanggang 2021.
Bago nahirang ni PBBM, si Bien Rubio ay naglingkod bilang director ng BOC-Port Operations Service (POS) sa ilalim ng Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG).
Sinabi pa ni Com. Bien Rubio, gagamitin niya ang kanyang “extensive background in intelligence and investigative work “upang lalong palakasin ang BOC sa pagprotekta sa mga border laban sa iba’t ibang uri ng smuggling, lalo na sa pagpupuslit ng agricultural products at mga iligal na droga.
Pagpapatuloy ni Com. Rubio “I am also confident that 90 percent of the problems encountered by the customs administration can be solved just by looking at things in an inward perspective.”
Pagtatapos na sinabi ni Com. Bien Rubio “Over and above, I aspire to foster a healthier trade environment which will contribute to the expansion and economic recovery of the country by equipping the Bureau of Customs with better and modernized mechanisms for trade facilitation, and a more improved collection efficiency through the introduction of these sustainable reforms.” GOODLUCK & C O N G R A T U L A T I O N S…… COM. BIEN Y. RUBIO!