
PIINAG-IINGAT po ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy laban sa nag-aalok ng malaking sweldo sa ibang bansa thru social Media.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga Filipino na maging maingat sa huwad na trabahong inaalok sa pamamagitan ng social media upang hindi mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking.
Ang pahayag ng ahensya kasunod ng pagkakaligtas ng pamahalaan sa walong Pinoy na nàniwala sa pangakong malaking sweldo sa bansang Myanmar mula sa illegal recruitment sa social Media.
Batay sa ahensya mahalagang dumaan sa mga legal na proseso ng deployment sa Pilipinas at makarating sa kanilang mga bansang destinasyon hindi bilang mga turista kundi may mga aktwal na working visa.
Ang Inter-Agency Council Against Trafficking IACAT, Bureau of Immigration, at iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas sa Pilipinas sa kanilang trabaho upang matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipinos (OFWs) at pigilan ang mga aktibidad ng trafficking at scamming sa mainland Southeast Asia.
Pinapayuhan ng DFA ang lahat ng mga kababayan OFWs na iwasan ang pagtawid sa Myanmar-Thai Friendship Bridge, ang border crossing na isinara sa loob ng halos tatlong taon, ay muling binuksan noong Enero 2023 kung saan para lamang anya ito sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
oOo
NAILIGTAS ng pamahalaan ang walong Filipino na biktima ng illegal recruitment sa Myanmar b.
Walong Filipino na kibibilangan ng apat na babae at apat na lalake ang naiiligtas nnag nabiktima ng scammer o illegal recruiter sa bansang Myanmar.
Kamakalawa pasado alas 5:00 ng umaga lumapag sa NAIA Terminal 1 ang Scott airlines flight 393 lulan itong mga biktima.
Dahil sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Office of the Undersecretary for migrant workers affairs (OUMWA) at ng pamahalaan ng Myanmar na-rescue itong mga biktima na pinangakuan ng malaking sweldo ng grupo ng mga scammer sa pamamagitan online transactions.
Ang apat na lalake ay galing na ng Dubai na narecruit thru online para magtrabaho umano bilang customer support.