
Matagumpay po nating dinaluhan ang General Assembly 2025 ng Mayors for Good Governance (M4GG) na ginanap noong Oktubre 24, 2025, sa Novotel Manila Araneta City, Quezon City.
Ang M4GG ay nagsisilbing buklod ng mga lingkod-bayan na nagsusulong ng integridad, transparency, at malasakit sa serbisyo publiko. Sa pagtitipong ito, ating pinagtibay ang sama-samang paninindigan laban sa korapsyon at ang patuloy na pagtugon sa mga hamon ng mabuting pamahalaan.
Makaaasa po kayo na ang Lungsod ng Imus ay patuloy na nakaangkla sa layunin ng samahan na itaguyod ang Imus na tapat at tunay na naglilingkod sa tao.




