
Kasama sina Cong. Roy M. Loyola, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at mga Miyembro ng Sangguniang Panlungsod, binisita natin ang pampublikong sementeryo upang tiyakin na maayos at ligtas ang kalagayan ng bawat pamilyang dumadalaw ngayong panahon ng Undas. Bilang pakikiisa sa paggunita, namahagi rin tayo ng mga meryenda sa mga bumisita.
Patuloy nating sisikapin na maging maayos, mahinahon, at ligtas ang ating pagdiriwang ng Undas ngayong taon.




