
Kasama sina Vice-Mayor Jonas at buong Team GenTri, binisita po ng inyong lingkod ang Art Gallery sa General Trias City Jail kung saan itinatampok ang mga obra ng mga kababayan nating Persons Deprived of Liberty (PDL). Bukod sa pagiging bahagi ito ng kanilang rehabilitation program, ang paggawa ng art works ay nagsisilbing livelihood project ng BJMP para sa mga PDL.
Suportahan po natin ang gawang GenTri at maging bahagi ng pagbabagong buhay ng ating kapwa. Para sa mga interesadong bumili ng mga art works, makipagugnayan po lamang sa BJMP – General Trias sa Barangay Navarro.
Let’s Join Forces for a More Progressive City of General Trias!