
Dumalo tayo sa BIDA Program press conference na pinangunahan ni Sec. Benhur Abalos, Jr. matapos nating ipagdiwang ang kaarawan ni Hen. Emilio Aguinaldo.
Katulad ng maalab na pagpupursige ni Lolo Miong upang makamit ang ating kalayaan, naglalagablab din ang ating pagnanais na lumaya mula sa banta ng ipinagbabawal na droga.
Mas paiigtingin pa natin ang pakikipagtulungan sa ating kapulisan, sa DILG, at higit sa lahat, sa ating komunidad upang maprotektahan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataang Kawiteรฑo, mula sa illegal drugs.