
Nakipag-courtesy call po ang inyong lingkod sa mga opisyal ng DOLE Cavite sa pangunguna ni Provincial Director Ms. Marivic Martinez. Kasama ni Mayor Alex “AA” Advincula, tinalakay po namin ang ilan sa mga
mahahalagang programa ng ahensya katulad ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Government Internship Program (GIP) at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP). Patuloy po ang pakikipagtulungan natin sa DOLE para magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho ang bawat Imuseño. Pati na rin po ang pagnanais natin na makapagbigay ng tulong pangkabuhayan sa mga lubos na nangangailangan. #AAngatAngImus #AlagangAdvincula