
Blessed day, Treceños!
Masigasig nating sinimulan ang umagang ito sa lingguhang pagpupugay sa watawat sa pangunguna ng City Agriculture Office.
Kasama nating dumalo sina VM Bobby Montehermoso, City Councilors, ABC Pres, Brgy Chairpersons, Department Heads, Division Chiefs, mga kawani ng lokal na pamahalaan at national agencies.
Nagkaroon din tayo ng mga pagbati sa mga nagdiriwang ng kaarawan sa linggong ito at sa mga newly hired at promoted na empleyado sa city hall.
Binigyang pagkilala rin ang Luis Aguado National High School na nagwagi ng Unang Gantimpala sa Pinakamahusay na Collection ng mga Larawan noong Marso 25, 2023.
Matapos ang flag raising ceremony, ito ay sinundan ng launching ng MR OPV SIA Chikiting Ligtas Vaccination Campaign sa pangunguna ng Department of Health Region IV-A katuwang ang City Health Office. Ito ay pinangunahan ni Dr. Restituta C. Magpantay, MD, MPA, DPA na nagbahagi ng mensahe at upang hikayatin na pabakunahan ang ating mga chikiting edad 4 na taon pababa kontra Measles, Rubella at Polio.
Bahagi ng vaccination campaign na mabigyan ang lahat ng bata ng dagdag bakuna, upang sila ay maging ligtas at protektado.
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
MGBL