
Nagdaos po tayo ng Frightday HalloWIN Party ngayong araw kung saan ang mga batang Imuseño na may edad 3 hanggang 12 ay nakapag-Trick or Treat sa mga opisina sa Imus City Government Center.
Ramdam din po natin ang saya ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang sa halloween costume contest na ginanap naman sa Function Hall kasama ang ating Imus City Information Officer Ace Navarette at ilan sa ating mga konsehal.