
PATULOY pa rin pala ang mga aktibidad diyan sa Sibuyan Island sa Bohol na sinasabing pag-aari ng Atlai Philippine Mining Corporation kahit ipinatigil na ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ibig sabihin nito talagang powerful o makapangyarihan ang businessman na siyang owner ng nasabing mining company.
Kahit si Sen. Risa Hontiveros, ay nagpatotoo na tuloy pa rin ang paggalaw ng mga trabahador doon sa mining firm diyan sa Sibuyan Island, kung kaya patuloy na nagbabarikada doon ang mga residente ng naturang isla na tutol sa nasabing pagmimina.
Ayon pa kay Sen. Hontiveros, ang nasabing minahan ay nag-umpisa noon pang nakalipas na administrasyon taong 2021, kaya kung magkakaroon daw ng senate inquiry ang una niyang ipapatawag ay ang dating DENR Secretary na si Roy Cimatu.
Ngayon matunog na diyan sa Senado at maging sa Sambayanan, na ikinakabit ang mga pangalan nina Sen. Sherwin Gatchalian at DSWD Sec. Rex Gatchalian, sa nasabing minahan dahil kapatid daw ng mga ito ang siyang may-ari ng naturang Nickel Mining diyan sa Sibuyan Island sa Bohol.
Dapat managot ang mga taong responsable sa nasabing minahan dahil kitang-kita sa mga footages, na talagang walang habas na sinira ang nasabing kabundukan diyan sa Sibuyan nitong mining company na iniuugnay sa mga Gatchalian.
Akalain nโyong nakapagpagawa na pala ng Port diyan sa Sibuyan ang mga operator nitong mining company para may pagdaungan ang barko na maghahakot ng kanilang mga minina doon at lumalabas na wala daw permit sa Philippine Ports Authority (PPA) ang pagpapagawa ng Puerto doon? Abaโy talagang super lakas talaga ng owner ng naturang minahan sa nakaraang administrasyon.
Dapat di lamang si DENR Sec. Cimatu, ang ipatawag sa senate inquiry kundi maging ang dating Pangulong Duterte, ay imbetahan din diyan sa pagdinig sa senado dahil nag-umpisa daw ang pagmimina doon ay taong 2021 at itoโy ayon mismo kay Sen. Risa Hontiveros, di po ba Madam Senator? Sana maging patas din ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na siyang nagmamatyag sa mga isinasagawang pagbabarikada ng mga taga sibuyan na kontra sa pagmimina ng kanilang Natural Resources nitong Atlai Philippine Mining Company, nang sa gayun maiwasan ang mga karahasan diyan.