
Nagkaroon po tayo ng pagpupulong kasama ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
tungkol sa paghahanda natin sa nalalapit na ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Nakasama po natin sa pagpupulong na ito sina OIC Exec Dir. Carminda Arevalo, Deputy Exec Dir. Alvin Alcid, at
mga Department Head ng ating Pamahalaang Lungsod. Ilan din po sa mga napag-usapan dito ay ang ribbon
cutting ceremony sa Bantayog ng Inang Laya sa nasabing programa at ang muli nating pagsasaayos ng
amphitheater dito sa ating lungsod upang mapakinabangan ng mamamayang Imuseรฑo. #Watawat2023