
Mga Bacooreรฑo, isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!
Sama-sama po nating ipinagdiriwang ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal at direktor ng Garden City II Homeowners Association Inc. para sa taong 2025 hanggang 2027.
Nagagalak po ako na masaksihan ang araw na ito, kung saan pinamunuan ni Pangulong Lordita B. Gener ang kanyang grupo sa pagtupad ng kanilang pangako na paglingkuran ang mga residente ng Garden City II nang buong katapatan at dedikasyon.
Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng dumalo, lalo na sina Kapitan Jaime Abug at ang Konseho ng Barangay Queens Row West, PLtCol. Alexie Desamito, ang BHOACI sa pangunguna ni Pres. Guia Oller, ang mga residente ng Garden City II, at ang masiglang โBet na Bet Zumbaโ group.
Binabati ko po ang lahat ng mga nanumpa sa tungkulin! Ang inyong papel ay napakahalaga sa pagpapaunlad ng ating komunidad. Asahan ninyo ang aking buong suporta sa inyong mga adhikain para sa Garden City II.
As We Strike As One โ Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!




