
Tayo po ay dumalo sa idinaos na 2023 Regional Athletic Association Meet (RAAM) na ginanap sa City of Dasmariรฑas Arena.
Ang nasabing programa ay may temang “Sports for Peace” na tumutulong magtanim sa mga kabataan ng disiplina, pagtutulungan, kahusayan, patas na laban, pagkakaisa, at iba pang moral na aabot at magsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng sports.
Talagang maipagmamalaki ang galing ng Pilipino sa larangan ng sports! Kaya naman, saludo kami sa inyo at nawaโy paghusayan ninyo ang inyong mga nakatakdang laban!