
Pinangunahan po natin ngayong araw ang payout para sa mahigit 140 benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program o SLP mula sa tanggapan ng DSWD. Bawat benepisyaryo po ay nakatanggap ng 15,000 pesos na cash assistance na kanilang magagamit bilang dagdag puhunan.
Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kaibigan sa Senado na sina Senator Pia Cayetano at Senator Alan Peter Cayetano sa pagbibigay oportunidad sa ating mga kababayang Imuseño na magkaroon ng marangal at pangmatagalang kabuhayan.
Nagpapasalamat din po tayo sa suporta ni Mayor Alex Advincula at ng buong Team AJAA – Imus para sa ginhawang dulot nito lalo na sa ating mga marginalized o kapos-palad na kababayan.
Layunin po natin sa programang katulad nito na mai-angat ang social economic status ng ating mga kababayan tungo sa isang mas maunlad at matatag na kinabukasan.
#CONGkretongAJenda#AlagangAdvincula#TeamAJAA#AAngatAngImus#Nagkaka1sangTeamAJAA