
Masaya po nating naipamahagi ang mga wheelchair sa tatlo nating kababayan bilang bahagi ng ating layunin na maihatid ang suporta at ginhawa sa bawat Imuseño.
Ang simpleng handog na ito ay naglalayong gawing mas magaan ang kanilang pang-araw-araw na buhay at magbigay ng bagong pag-asa sa kanilang mga pamilya.
Lubos po ang aking pasasalamat sa oportunidad na maipagpatuloy ang mga programang nagdadala ng malasakit at tunay na serbisyo sa ating mga kababayan.
Makaaasa po kayo na ang ating Pamahalaang Lungsod ay laging handang tumugon sa pangangailangan ng bawat Imuseño!
#MayorAA#TeamAJAA#AAngatAngImus#AlagangAdvincula#Nagkaka1sangTeamAJAA