
Tayo po ay nakisaya ngayong umaga sa isinagawang Fun Run at Zumba na may temang “Takbo at Indak para sa Malusog at Masiglang Parañaqueños” sa Parqal Mall sa Barangay Tambo.
Ang programang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 27th Cityhood Anniversary ng Parañaque City sa Pebrero 13, 2025.