
Kaagapay ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, matagumpay na ipinagkaloob ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang P10,000 halaga ng cash gift sa 102 Imuseรฑong senior citizens na 80, 85, 90, at 95 taong gulang nitong Miyerkules, Pebrero 26, 2025, sa Function Hall ng New Imus City Government Center, kasabay ng nationwide inaugural cash gift distribution sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024.
Nanguna sa paghahandog sina Vice Governor Shernan Jaro, City Mayor Alex โAAโ L. Advincula, at Executive Assistant IV Keanne Clarisse Cruz ng NCSC Clustered Region 3.
Nakasama rin sina Konsehal Atty. Wency Lara, City Administrator Larry Monzon, OSCA Officer-in-Charge Arturo Pangilinan, at dating konsehal Tito Monzon.
Inilapit din sa mga lolo at lola ang libreng medikal na konsultasyon, mga gamot at bitamina, at libreng gupit sa buhok, masahe, manicure, at pedicure mula sa Technical Education and Skills Development Authority. Nagkaroon din ng oryentasyon ukol sa mga benepisyo ng Konsulta Package ng PhilHealth.
Ganap na naisabatas ang Expanded Centenarians Act of 2024 (Republic Act No. 11982) noong Pebrero 26, 2024, na bunga ng inaasahang pagdami ng mga Pilipinong tutungtong sa edad 60 taon mula 2025โ2030.