
Carmona Cavite — Makikinabang ang lahat ng 829 barangay sa lalawigan ng Cavite sa karagdagang pondong hatid ng pamahalaan sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang.
Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang pamamahagi ng P200,000 karagdagang pondo sa bawat barangay, mula sa Socio-Civic Projects Fund ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Carmona, Cavite ngayong araw, Setyembre 11.
Nakiisa at dumalo sa nasabing programa sina Cavite Gov Abeng Remulla, Vice Gov Ram Revilla, Congressman Jolo Revilla , Congresswoman Lani Mercado Revilla at Agimat Party List Bryan Revilla.
Sa mensahe, binigyang-diin ni Recto ang adhikain ni Pangulong Marcos na matiyak na direktang mapakinabangan ng mga komunidad at walang barangay ang maiiwan sa mga proyekto at programang ipinatutupad ng pamahalaan.




