Malugod ko pong ipinapabatid sa lahat na tayo po ay pinagkalooban ng Plaque of Appreciation mula sa Bureau of Jail Management and Penology Regional Office (BJMPRO) – CALABARZON para sa ating naging mahalagang ambag sa kanilang mandato upang makapagbigay ng Humane Safekeeping at Developmental Opportunities para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ang pagkilalang ito ay personal na tinanggap nina Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at Hon. Almario Zamora sa idinaos na 35th Anniversary Celebration ng BJMPRO-CALABARZON alinsunod sa temang โBJMP@35: Disiplina at Responsibilidad, Sandigan sa Serbisyong may Kredibilidadโ.
Asahan niyo po na patuloy nating paiigtingin ang mga ugnayan at pakikipagtulungan sa ating mga katuwang na ahensya upang maisulong ang serbisyong may malasakit para sa ating mga mamamayan, kabilang ang ating mga PDL. Taos-pusong pasasalamat sa BJMPRO-CALABARZON para sa pagkilalang ito!





